Dalawang magkakapatid ang nakuryenti, isa ang patay at ang isa ay nasa malubhang kalagayan.

Published 2023-08-18
Dito sa liblib na pook ng Sitio Abono, Pangalalan, Sindangan, Zamboanga del Norte namulat at nagkaisip ang batang c Kate Louise, 10 taong gulang at ang 7 taong gulang na kapatid nitong si Denice. Ngunit sa kasawiang palad nitong umaga lang ika 18 ng Agosto 2023 binawian ng buhay ang 10 taong gulang na si Kate at ang 7 taong gulang naman na si Denice ay nasa malubhang kalagayan.
Mabait at maasahang bata si Kate. Katunayan siya ang katulong ng ina niyang si Nenen sa lahat ng gawain maging sa bahay man.
Ngunit nitong umaga, tila dinaanan ni Kate ang isang hindi inaasahang malaking trahedya. Isang batang nangarap pero sa kasawiang palad ang isang pangarap ay isa na lamang ala-ala.
Nakapag enrol na kahapon (Aogosto 17, 2023) ang dalawang magkapatid. Si Kate sa ika 5 baitang at si Denice naman sa ika - unang baitang. Subalit ang lahat ay magiging kasaysayan na lamang.
Binawian ng buhay si Kate matapos diumanong makuryenti sa kanilang washing machine. At ang kapatid nitong si Denice ay nasa malubhang kalagayan.
Dead on arrival si Kate nung dinala sa Sindangan District Hospital, samantalang nagtamo naman ng 3rd degree burn and kanyang kapatid na si Denice.
Panawagan ng ama, sana may makakatulong man lang sa kanila sa mga gastusin.

All Comments (1)