Upuan - Gloc9 ft. Jeazell Grutas (Cover by Nairud Sa Wabad)

37,814,213
0
Published 2015-05-07
Read more: Gloc9 - Upuan Lyrics | MetroLyrics

[Featuring: Jeazell Grutas of Zelle]


(Chant)


[Chorus: Jeazell Grutas of Zelle]
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko


[Gloc-9]
Ganito kasi yan eh...


[Verse 1: Gloc-9]
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan


[Chorus: Jeazell Grutas of Zelle]
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko


[Verse 2: Gloc-9]
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...


[Jeazell Grutas of Zelle:]
Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)


(Chant)



Members:
Guitar/ Vocals - Andrian "Ojie" Cubillas
Guitar / Vocals - Sandino "Tatot" Libres
Keyboards - Earl Gioielli Laga-ac
Bass - Nestor "Estong" Caballes Jr.
Drums / Cajon - Fidel "Pidol" Vargas

Hometown: Durian City (Davao)

Facebook page:
www.facebook.com/pages/Nairud-sa-Wabad/18426676159…

All Comments (21)
  • Petition for a reunion gig Nairud Sa Wabad. Sobrang solid parin ng cover na 'to after 7 years and counting parin. Sheshh🔥
  • sarap parin pakinggan neto, grabe lakas talaga haha. Still present January 14, 2023
  • @aldrenroxas6652
    sobra pas swerte ang mga nakaabot sa una nga buo pa ni nga banda, makalantaw'g makadungog personal magtugtug sa dakbayan sa dabaw. NAIRUD SA WABAD ONE TIME LIVE LANG OK NA. hehehehe
  • @junelyneder4106
    Never been tired of playing this song countlessly and ended up memorizing the lyrics. Saw their live gigs back then. Napakabangis! 🤘🔥 I admire Gloc9 for writing such a powerful song, but I must say that "NAIRUD SA WABAD" has truly done justice to the song and conveyed its message in the way it should be. "Upuan" deserves to be sung by Nairud, as their vocals powerfully convey the message and strike a chord with us. I hadn't even noticed this song back then until I heard Nairud's version. With all due respect to Sir Gloc9, the original arrangement is not as impactful as this. I'm proud that this band hails from my humble city. As a proud Davaoeña, I hope to see Nairud's reunion soon! 👊💯💯
  • @alvindre6639
    Matay kapila na nko ni gi balik nag 2020 nlng dabest gyapung Nairud!!
  • ang lupit nyo.gusto ko ang tugtogan nyo.hindi kumpleto ang inuman namin pag hindi namin naririnig ang kanta nyo.mabuhay nairud sa wabad..
  • hindi po biro mag guitara while mag rap reggae pa .,.talentado 👏👏👏
  • napaka linis ng tugtugan. wow na wow as in. lalo na yung bassist napaka sarap pakingan ng bass lines. yung palo ng drums na talagang mapapa rock ka. yung vocals na talagang mapapasigaw ka. all in one. swak na swak lahat. kaway kaway nga pala kay kuya na hindi ko alam tawag ng instrumento mo pero napaka galing mo!more power po mga lodi! 100/100. thumbs up!!
  • 6 years ko na tong binabalikbalikan! Di nakaka sawa. Sana makapag tugtug sila ulit na kumpleto.
  • @jhengheart8351
    dahil sa tawag ng tanghalan npunta ako dto.,ayos sir.!!
  • @1rl574
    Kung ang E-heads and Rivermaya meron reunion. Sana din ang Nairud sa Wabad meron din!
  • @Genrryshivonin
    Galing ng DURIAN SA DABAW . Reggae dapat nasa Underground nowadays . Like nyo kung gets nyo 🔩
  • Nothing beats pinoy raggae. Kpop and new generation bands are so far from this kind of band and it's composed songs 💕
  • Sabayan ng konting alak habang nkkinig ng ganitong tugtugan .. yeah 🤘🤘🤘 who is with me march 13 2020... 🤘🤘🤘